TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t ibang dako sa silangang bahagi ng Pangasinan noong Martes ng gabi, April 18. Ito ay pinangunahan ng mga choir member ng INC. Napuno ng panauhin ang mga gusaling sambahan na pinagsagawaan ng nasabing aktibidad.

Unang isinagawa ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos at pagkatapos ay namahagi ng  goody luggage para sa mga dumalong panauhin. Ang goody luggage ay naglalaman ng bigas, noodles at sardinas.

Nagpasalamat naman ang mga dumalo sa nasabing aktibidad dahil nalaman nila ang mga aral na sinasampalatayan ng Iglesia Ni Cristo. Ang iba sa mga naging panauhin ay nagpasyang patuloy na makikinig sa aral ng INC.

Juvy Barraca – EBC Correspondent, Pangasinan East

Source: eaglenewsph

SHARE