National Housing Authority briefing kasama ang mga miyembro ng Senado at House of Representatives. Ang briefing ay patungkol iligal na pag-okupa ng Kadamay sa ilang mga housing unit sa Pandi, Bulacan. /Meanne Corvera/ Eagle News Service
National Housing Authority briefing na isinagawa nitong Martes, ika-25 ng Abril, kasama ang mga miyembro ng Senado at House of Representatives. Ang briefing ay patungkol sa iligal na pag-okupa ng Kadamay sa ilang mga housing unit sa Pandi, Bulacan. /Meanne Corvera/ Eagle News Service

Ni Meanne Corvera

Eagle News Service

Inamin ng National Housing Authority na bumagsak ang kanilang koleksyon ng monthly amortization sa mga housing project sa Central Luzon dahil sa nangyaring iligal na pag-okupa ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa mga items sa ilang mga website doon.

Sa briefing na isinagawa ng NHA bago ang ocular inspection sa mga website nitong Martes, sinabi ni Engineer Romuel Alimbuyao, deputy space supervisor sa Central Luzon, na halos 50 porsyento ang hindi nila nasisingil mula noong Marso, kung kailan pumasok ang mga miyembro ng Kadamay.

Katuwiran daw ng mga residente, bakit daw sila magbabayad kung maaari naman palang ibigay o libre ang pabahay ng gobyerno.

“Nakakaapekto na…Kina Kadamay libre, bakit (daw) sila magbabayad..Gusto ng iba libre,” sabi ni Alimbuyao.

Umaapela ang NHA sa gobyerno at Kongreso na bumalangkas ng malinaw na panuntunan dahil sa pangambang mabangkarote ang ahensya.

Sa ngayon nakapagsagawa na aniya ang NHA ng profiling sa 5, 278 na miyembro ng Kadamay para malaman kung lahat sila ay kwalipikado na maging benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng profiling malalaman din kung meron silang mga kapangalan o prolonged member of the family.

Source: eaglenewsph

SHARE