R.T. ROMUALDEZ, Agusan del Norte (Eagle News) – Inararo ng isang pick-up na sasakyan ang isang kubo na nasa tabi ng national freeway ng R.T. Romualdez, Agusan Del Norte. Ang nasabing aksidente ay nangyari nitong Lunes, March 20, bandang 6:15 ng umaga.

Dalawa ang naiulat na namatay sa nabanggit na aksidente. Ang ina ng tahanan at ang pitong taong gulang na anak nito. Natakot aniya ang driver dahil sa dami ng kaanak ng mga biktima na nakapalibot kaya hindi muna ito lumabas.

Hinintay pa nito na dumating ang mga rumespondeng pulis bago ito lumabas sa bumanggang pick-up.

Eralie Bernades – EBC Correspondent, Agusan del Norte

Source: eaglenewsph

SHARE