Some of the bodies of the passengers who died when their bus fell into a deep ravine in the barangay Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija.  Photo taken outside the Nueva Vizcaya provincial hospital.  (Eagle News Service)
Ilan sa mga namatay nang bumulusok sa malalim na bangin ang LeoMarick Trans na bus sa Barangay Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija, noong ika-18 ng Abril. (Eagle News Service)

Ni Meanne Corvera
Eagle News Service

Pinaaamyendahan sa Senado ang ilan sa mga umiiral na road safety insurance policies at rules matapos ang nangyaring aksidente sa Carranglan, Nueva Ecija na ikinamatay ng mahigit 30 katao.

Ayon kay Pacquiao, na siyang naghain ng Senate Resolution 346, kailangan nang amyendahan ang ilan sa mga umiiral na batas dahil hindi na aniya naproprotektahan ang milyon milyong pasahero at mga pedestrian ng mga ito.

 

Nakakabahala aniya ang sunod-sunod na aksidente na nangyayari sa mga lansangan kung saan ilan ay dulot ng kawalan ng road indicators at palpak umano na mga imprastraktura.

“We have witnessed these previous few months a surge within the variety of road
accidents, the latest of which concerned a bus in Nueva Ecija that
claimed the lives of greater than 30 individuals,” aniya.

Papunta sana sa Candon, Ilocos Sur ang LeoMarick Trans na bus noong ika-18 ng Abril nang pumutok ang kanang gulong sa unahan nito.

Nawalan ng kontrol ang drayber, hanggang sa bumulusok ang bus sa malalim na bangin.

“There is an pressing have to implement an aggressive and proactive (method), (place correct) road safety indicators and infrastructure, particularly (on) roads which can be
thought of dangerous because of (their) topography and site,” dagdag pa ni Pacquiao.

Source: eaglenewsph

SHARE