RODRIGUEZ, Rizal (Eagle News) – Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng  Medical and Dental Mission sa Rodriguez Municipal Jail. Katuwang nila sa nasabing aktibidad ang New Era General Hospital at nakipagtulungan din ang pamunuan ng Rodriguez Municipal Jail (BJMP). Pinangunahan ito ni Bro. Jeremias Mendoza III, Assistant District Minister ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Central. Kasama rin si Bro. Jovel Dexter Tubig, Ministro ng Ebanghelyo at mga miyembo ng INC.

Mainit man ang panahon ay nabigyan pa rin ng libreng medical at dental mission ang mga daan-daang inmates kasama ang kanilang mga kamag-anak. Pati ang mga jail officer na naka-assign sa Rodriguez Municipal Jail ay nabigyan din ng libreng serbisyo para mapangalaan ang kanilang kalusugan.

Bukod sa libreng serbisyong medical at dental ay namahagi rin ang INC ng lingap. Lubos namang nagpapasalamat ang mga inmate at Jail Officers sa ginawa ng Iglesia Ni Cristo para sa kanila.

Chona M. Janiola – EBC Correspondent, Rizal

 

Source: eaglenewsph

SHARE