Clean-up drive ng mga kabataan masayang isinagawa sa Meycauayan, Bulacan

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan (Egle News) – Nagsagawa ng clean-up drive ang grupong Robinhood Youth Volunteer, isang grupo ng mga kabataan ng Brgy. Banga, Meycauyan City, Bulacan. Layunin nila ay upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Sa halip na sa paglalaro ubusin ang kanilang oras, ibinuhos ng mga bata na might edad anim na taong gulang pataas ang kanilang oras sa paglilinis sa kanilang lugar. Bitbit ang kanilang gamit panlinis tulad ng walis, dust-pan, sako at timba na might tubig.

Source: eaglenewsph

SHARE