(Eagle News) — Nadiskubre ng Bureau of Corrections (BuCor) ang bagong modus ngayon ng pagpapasok ng mga ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay BuCor Director General Atty. Benjamin Delos Santos, ginagamit na ng inmates ang kanilang mga asawa para maipuslit ang mga kontrabando sa bilibid.

Nilalagay umano sa loob ng katawan ng mga asawang babae ang droga dahil sa madaling makakalusot ang mga ito.

Ito’y lalo pa’t hindi naman ito nadedetect sa pamamagitan ng ordinaryong screening at pagkakapkap ng mga awtoridad.

Dahil dito, naghigpit na ang BuCor sa mga pumapasok na bisita ng mga preso sa bilibid.

 

Source: eaglenewsph

SHARE