BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Dalawa katao ang agad na isinugod sa hospital ng Biñan matapos pagbabarilin ng using in tandem. Ang biktima ay nakasakay sa kaniyang motor. Isang by-stander din ang tinamaan ng ligaw na bala sa kahabaan ng Manabat St. Bgy. San Antonio, Biñan City, Laguna.

Kinilala ng Biñan City Police ang biktimang si Victor Federico, Market Collector ng Biñan City Public Market. Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa leeg at tiyan. Ang by-stander naman ay nakilalang si Lovino Almarinez Carrasco, 64 taong gulang,  residente ng Brgy. San Antonio na nadaplisan ng bala sa kanan bahagi ng tiyan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Manabat Street ay could nag-over take na motorsklo na sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki at pinagbabaril ang biktima. Natagpuan sa crime scene ang apat ng basyo ng bala na hindi pa matukoy kung anong uri ng baril. Mabilis na tumakas ang mga suspek at hindi pa matukoy ng awtoridad kung ano ang dahilan ng naturang pamamaril.

Kasalukuyan pang inaalam ng awtoridad ang mga kuha ng CCTV sa mga entry at exit level ng naturang lugar upang matukoy ang mga pagkakikilanlan ng mga suspek.

Jackie Palima at Willson Palima – EBC Correspondent, Biñan City, Laguna

 

Source: eaglenewsph

SHARE